Road to Reprieve

Thinking aloud. Trying to understand the things around me. Pseudo-intellectual conversations with Robin. And dealing with a new chapter in this book I call my life.

Sunday, June 25, 2006

Starfish

Nung friday, kakagaling lang namin ng Pontefract. Birthday kasi ni Jem nun, yung younger sister ni Jom. Naginuman kami dun nila Dave at ni Rob, napagusapan namin yung pinagkakaiba ng mga babae dito kumpara sa mga babae sa Pinas. Yung mga babae kasi dito e parang iniisip nila na equal sila sa lalake(hindi ko sinasabi na hindi dapat ganun), parang nakakapanibago lang kasi sa Pinas e uso ang mga 'conservative' na babae. Napagusapan din namin yung mga babae dito sa England, para silang starfish. Nakahiga lang. They want the MEN to do all the work for them, get it? May naalala tuoy akong quote ng kaibigan ko na taga Pinas e: "Pare, ang sarap! Dati ako ang kumakantot, ngayon ako ang kinakantot"! Envy on my part? Hell yes.

O e anyway, dumating kami dun around 7PM na, and we left at around 12:30PM. Parang nag overnight na rin kami dun. Kaya hindi ako nakaupdate ng blog kasi after namin manggaling sa Pontefract e tumuloy na kami sa Leeds(syempre natulog muna ako sa bahay) kung saan may pa-despedida samen si Michael at si ate Weng. Nalaman ko na may twin brother pala si Michael. May nabili syang TV, flat screen na Samsung. Nalaman ko rin na ganun din yung binili ng kapatid nya. Siguro isang patunay 'to sa nabasa ko dati. Kasi dati daw may twins, pinaghiwalay sila from birth. Pagtanda nila e yung preference nila sa mga damit, sa mga babae at kung ano ano pa e pare-pareho. Ang galing.

Kinabukasan, ngayon yun. May laban ang England laban sa Ecuador. Pumunta kami kanina sa isangpub na malapit lang sa bahay nila Paolo. Kaming tatlo lang ni Pogi(tito Ferdie). Pagpasok namin sa lugar e nagtinginan yung mga Briteon/Breton samin! Di ko alam kung baket. Nung nakita ko yung TV, tsaka ko nalaman... Yellow pala yung jersey ng mga Ecuadorians. Hindot, awkward moment. Nanalo pala England kanina, 1 nil. Buti naka score si Beckham sa free shot nya kundi yari ang Englatera. Pero mas yari kami pag nakascore ang Ecuador at nanalo. Naka yellow yung kasama namin e!

Bukas punta na pala kami ng London, so hindi ako makakablog for three days. Pero sulit naman kasi makakapamili na ako dun ng kung ano anong mga gamit. Nahihirapan nga ako sa mga bibilhin ko na mga pasalubong para sa mga kaibigan ko sa Pinas, parang gahol na gahol na ako sa oras. Naka sched ako mamili sa thursday, sana matupad. At sana makuha ko na yung pera ko.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home