Mahirap talagang magmahal ng syota ng iba, o sakit ng ulo maniwala ka. Ngunit kahit ano pa man ang sabihin nila, iwanan sya ay di ko magagawa.
Yan yung kantang nasa utak ko parati, naaliw lang ako sa lyrics at sa tono ng kanta kaya ko nagustuhan. Hindi sa nakakarelate ako sa kanta. Actually, kanta yan ng pinsan ko, na di ko babanggitin ang pangalan kasi baka yung mga GF nya e nagbabasa pala ng blog ko(yey! fans!). Ang galing talaga nila.
Antagal ko naging absent sa internet, tang ina kasi 'tong Neverwinter Nights, naaadik nanaman ako sa Dungeons and Dragons, just like the good old days. Sabi na nga ba't dapat di ko na 'to binili kasi pinupuyat lang ako neto, isipin nyo ba naman, alas sais na ako ng umaga nakatulog kanina dahil sa hindot na laro na 'to. Kaadikan nga naman.
Nung isang araw nga pala, humiram ako ng weights ke Kuya Jeff. 5 kilos isang side, kaya ten kilos bawat dumbell. Ang hirap dalhin pauwi, ambigat! Muntikan na akong maluslusan sa gitna ng daanan.
Ewan ko ba, may eating disorder yata ako, isang beses na lang ako kumain sa isang araw. Grabe na ito. Hindi naman ako nakakaramdam ng gutom. Wala naman akong drugs na tine-take/tini-tira. Ano na ba ang nangyayari sa katawan ko? KATAWAN KATAWAN KATAWAN, OOOO KATAWAN!
Mamaya may laban, England vs Trinidad and Tobago. Chicken syet! Sa NBA naman, nanalo ang Miami laban sa Dallas dahil sa chamba ni Gary Payton. Hindot na chamba!
Kakabili ko nga lang pala ulit ng bagong Murakami, the Wind-up Bird Chronicle. Hindi ko pa nababasa masyado dahil sa pesteng laro na 'to. O Diyos Ama, sana wag nyo ho ako gawing adik sa D&D, PLEASE! Ayoko na humarap sa computer ng more than 16 hours! Parang awa mo na! Napatay ko nga pala yung pinakamatandang dragon sa buong Forgotten Realms! No shit! Si Klauth! ANYWAY...
Kelangan ko na magpaalam, hindi ako sure kung magbabasa ako, maglalaro o mag da-dumbells. Aaaaaaa! Ang gulo, parang bulbol! Hindot!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home