Kalikasan: Isang malaking kupal at wala kang magagawa upang malabanan ito.
Kaninang mga 11, nagsimula ako maglinis ng oto. Ang taas ng sikat ng araw, temperatura e 30C, ang inet, parang Pinas, pero sige, okay lang. Nagpakahirap ako dahil andaming mga damo damo sa oto(lintek na mga anak ng kalikasan, mga damo!), andaming lupa(ang tae ng kalikasan), at andaming dumi dumi(kalat ko 'to). Pa vacuum-vacuum lang, jina-jabarr(emphasis on the last two 'r's) na ako kanina sa sobrang init, wala man lamang na pampalubag loob na hangin... pero sige, brush brush, linis linis. Habang nililinis ko ang buong oto, loob tapos labas, painit ng painit, tiniis ko. Nung natapos na ako maglinis, mga alas dos, nagpa-pack up na ako ng mga sabon, brush, vacuum, sabon, and whatnot, BIGLANG KUMULOG.
Isang pamahiin, isang senyales...
E UMULAN, putang ina! Oo, tubig nga lang yan, pero diba?! Magkakamarka nanaman sa oto at mapuputikan nanaman yung mga gulong at mababasa nanaman yung mga apakan sa loob ng oto! SAYANG ANG PINAGPUTAHAN!
Kaya ako, nandito na lang ako sa loob, nagpapatila ng ulan. Ulan, hindot na ulan.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home