Road to Reprieve

Thinking aloud. Trying to understand the things around me. Pseudo-intellectual conversations with Robin. And dealing with a new chapter in this book I call my life.

Tuesday, June 06, 2006

Book review? Nope.

Ewan ko lang, parang narerelate ko ang sarili ko kay Miss Saeki, parang ganun ang feeling ko. Kung sya bumalik sa library nya, ako babalik ako sa Pilipinas, at ganun na lang ang gagawin ko. Yun na lang ang punto ng buhay nya, maghintay. Unti unting maghihintay.

Tsaka si Crow, parang si Robin. Pero iba si Robin e, iba kasi ang impluwensya ni Robin kung ikukumpara mo kay Crow. Yung ginagawa ni Crow e parang ine-explain nya lang thoroughly yung mga nasa loob ni Kafka, e si Robin nag e-explain at may halong impluwensya.

Sana ako na lang si Mr. Nakata, walang pakialam sa mundo dahil may sarili syang mundo, kahit na handicapped. At least hindi nya pa nararanasan yung mga naranasan na ng ibang tao. Parang napaka inosente nya kahit matanda na. Back to innocence, ika nga.

Gusto ko rin maging katulad ni Colonel Sanders, walang character at feelings. 'Shape I may take, converse I may, but neither god nor Buddha am I, rather an insensate being whose heart thus differs from that of man.' Isang linya yan sa Tales of Moonlight and Rain ni Ueda Akinari.

Isang babasahin kung saan nakakarelate ako. Parang buhay lang siguro ang pagbabasa, malalaman mo na lang kung happy ending o hinde pag nakarating ka na sa mga huling pahina. Ewan, siguro nasa kalagitnaan pa lang ako ng libro ko, hindi ko pa alam kung ano ang kinahihinatnan sa dulo. Tapos na ang isang yugto, kelangan ko nang masimulan ang susunod.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home