Road to Reprieve

Thinking aloud. Trying to understand the things around me. Pseudo-intellectual conversations with Robin. And dealing with a new chapter in this book I call my life.

Saturday, May 20, 2006

Simpleng buhay, simpleng problema

Ilang araw na lang e makakauwi na kami ni Paolo, pinsan ko, sa Pilipinas. Kwarenta'y singkong araw na lang, pero madami ako mamimiss dito sa Englatera. Mga kaibigan at mga kamag-anak.

Ano naman kaya ang mga mangyayari pag uwi ko sa Maynila? Pare-parehong mga muka, pare-parehong mga kaibigan, pare-parehong mga lugar, pero iba't ibang buhay. Tama nga naman, lahat ng nagbabago. Mag aalinlangan ka rin magbago kasi hindi mo alam kung anong mangyayari. Kung kelan nakuntento ka na sa buhay mo, eto, tsaka darating ang pagbabago.

Simpleng buhay, simpleng problema. May punto. Kain, tulog, basa, aral at usap. Yan na lang siguro ang buhay ko pagdating ko sa Maynila, isang napakasimpleng buhay na hindi ko pa nasusubukan. Hindi na siguro ako babalik sa dati kong buhay na puno ng galit at sama. Pero siguro, isang araw, sasabog na lang ako na parang granada.

Napakabilis ng mga pangyayari, napakabilis ng panahon. Ang mga pagkakataon na nasayang, di na muling maibabalik.

Hindi ko na alam kung may sense ang mga sinabi ko. Hindi ko rin alam kung anong punto ng lahat ng ito.

Gusto ko lang magsalita.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home