Ang papaitan ni kuya Jeff, siopao ng Chowking, at ang bukang liwayway sa Englatera
Kakagaling lang namin kay Kuya Jeff, ang isa sa pinakamabait na Pinoy dito. Napakahospitable at sobrang mapagbigay. Sya yung tipo ng tao na parang hindi na maasar sa kahit anong bagay na ibato sa kanya, sana maging ganun din kahaba ang pasensya ko.
Hindot! Natalo ako ng pinsan ko, Dallas laban sa Cavs. Tang inang Lebron na 'to. Ang lakas sumaksak. Teka, kaya siguro ako natalo dahil may halo nang alak... AH! Oo, tama! Dahil nga sa pesteng alak na yan.
Nung pauwi na, andaming mga pesteng mga kuhol sa daanan, iningatan ko na wag tapakan kasi baka madumihan ang sapatos ko. Anlalaki ng mga pusa dito, tancha ko mga lima o anim na SIKSIK na siopao ang magagawa mo sa mga lintik na mga pusa dito.
Habang papalakad pauwi ay natanaw ko ang bukang liwayway sa Englatera, ang ganda para kang nagpasalon. Punyeta, ang aga sumikat ng araw, isipin mo e alas tres y medya pa lang e nagsisimula nang umakyat ang araw dito. Kaya siguro hinde uso ang mga aswang dito.
Hi nga pala sa mga fans ko jan na palaging nagbabasa ng blog ko, especially kay Ms. Lace Llanora. Salamat sa pag tangkilik. Kasali na kayo sa weekly raffle kung saan mapapanalunan mo ay apat na lagas na bulbol, isang tutchang, at water pipe na puno ng laway. Yun e kung mabunot ang pangalan mo sa tambiolo ng kapalaran.
Nagiging herbivore na ako pautni-unti. Puro gulay na lang ang kinakain ko at prutas. Nainom pa ako ng gamot na pampapayat(hindi sa mataba ako, big boned lang). Tang ina, sa mga panahong ganito you need s... er, you need a juicy, para maibsan ang pangangailangan mong kumain.
Kamusta na kaya si Cathy? Ano na kayang balita sa kanya. Sya nga pala yung naging parang 'girlfriend' ko sa Malate na 30 years old na, pero anlaki ng s... At mukang mga 26 pa lang. Hmmm, sana maayos naman sya. Miss ko na rin ang Skins at sila bossing at sila Spongy! Sana naman e updated na ang console dun, sana bumili na sila ng PS2. Naalala ko dati, nanalo ako ng 1800 sa isang gabi dahil sa NBA Live. Hindot na NBA Live na 'to, ayaw talaga akong tantanan. Kahit saan ako magpunta, eto pa rin ang kinakaadikan ko.
Haaay, putang ina. Anong oras na, hindi pa rin ako inaantok.
Naiwanan ko kasi sa isang bahay yung putang inang Anansi Boys e. Wala tuloy akong mabasa dito. Sana dinala ko na lang. Ang susunod na bibilhin ko e yung libro ni Marilyn Manson at yung isang libro ni RA Salvatore(kung lumabas na sa papaerback). Ang tumal ng buhay dito, mas maganda dito manirahan pag may pamilya ka na. Pero pag single, mas maganda talaga sa Maynila. Kamusta na kaya ang asawa ko? Nasaan kaya sya? Do you believe in love at first sight or should I pass by again? LOL.
Grabe, ang sakit na ng likod ko, hindi ko alam kung dahil sa pagtulog ko lang 'to o dahil sa 'back breaking' work na ginagawa ko dito. Pero proud ako na sa tinrabaho naming hardin. Ang linis na tignan. Problema nga lang e maulan. Yung ambon, kinakaya ko pa matiis dito, pero pag umulan na, mahirap nang kumilos at masyado nang maputik. Maputik, mahirap, at madumi... TRABAHONG LALAKE!
Speaking of trabahong lalake, kelangan ko pa palang magising mamaya ng maaga, alas kwatro na sa relo ko. Dibale, may magpaparamdam naman saken sa gitna ng pagtulog ko kaya magigising nanaman ako. Ay puta! Kelangan ko pa nga pala mag burn ng mga kanta ni Marilyn Manson para bukas sa 'entertainment showcase' habang nagta-trabaho. Anak ng puta, anim na kanta pa lang kasi yung nandito, e buti sana kung may iPod na ako, pero wala pa. Punyeta, low tech!
O sya, sige na. Lumaki na butas ng ilong ko at humikab na ako, naramdaman ko na yata ang antok. Paalam, hindot.
1 Comments:
ahahaha ako fans? :p pasalubong ko ha hindot! knee high socks at ung pang bangkok.
Post a Comment
<< Home