Road to Reprieve

Thinking aloud. Trying to understand the things around me. Pseudo-intellectual conversations with Robin. And dealing with a new chapter in this book I call my life.

Wednesday, May 17, 2006

Nakakaasar ka na!

Naaasar na ako sayo ha. hindi ko alam kung bakit mo ginagawa saken to. Tang ina, di na ako makatulog ng maayos dahil sayo, kelangan mo pa bang dumapo sa isipan ko tuwing matutulog ako? Kinakailangan ko pang uminom ng madami para masimulan ang pagtulog! Ayoko namang mabansagang alcoholic, pero kelangan talaga ng alak para mawala ka sa isipan ko!

Dahil sayo, maaga akong nagigising, hindi ako makatulog ULIT kasi tuwing naalipungatan ako e ikaw ang pumapasok sa utak ko! Kesyo kamusta ka na o kung ano na kaya ang ginagawa mo, puta mahirap ang ganito! nasasapawan mo ang hang over na dulot ng alak na ininom ko kinagabihan/kinaumagahan!

Ang gusto ko na lang naman e mapanaginipan ka, dahil alam ko, sa panaginip na lang kita makakasama. Pero kelangan mo ba akong dalawin araw araw sa mga panaginip ko?! Intense ka rin a! hayaan mo naman ako magkaron ng ibang panaginip, tulad ng wet dreams tungkol ke Diana Zubiri; o kaya'y rumaratrat ng langgam na puti na gamit ang armalite na hihiramin ko pa lang ke Ramon(think, ano ang langgam na puti?); o kaya'y ang pagbugbog ko ke Steven Seagal! Sa araw naiisip kita; sa gabi, bago matulog, nagpapaalala ka saken; at sa pag gising, ikaw unang pumapasok sa utak ko; wala kang patawad! Para kang droga na hindi mawalay sa isip ng adik. Para kang kati sa likod na di maabot ng kamay. Para kang ipis na tinatakot, pero unti unti pa rin lumalapit sa paa ko.

Natatandaan mo ba na may sakit pala ako sa puso? Hayop lang talaga, mas intense na yata ang sakit ko sa puso, hindot! Sinasabayan mo na kasi e! Pero dati, pag nararamdaman ko na parang pinipisil ang puso ko e umaasim ang muka ko, pero ngayon, dahil kasabay mo na ang pag-atake neto, e hindi na ako parang si kuhol na umaasim ang muka, may matamis na ngiti na nakapinta sa muka ko. Kaya pag natuluyan ako, knock on wood, wag ka na magtaka kung ba't ako nakangiti sa kabaong. LIWANAGIN mo sa kanila na hindi ako namatay habang ruma-rapsa, humihits, o namatay sa kiliti.

sige na, kailangan ko na munangmag ritwal bago matulog.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home