Road to Reprieve

Thinking aloud. Trying to understand the things around me. Pseudo-intellectual conversations with Robin. And dealing with a new chapter in this book I call my life.

Friday, May 12, 2006

Putang ina mo, mahal na mahal kita!

Minahal kita. Binigay ko ang lahat ng makakakaya ko para sayo. Wala akong hiniling na iba kundi yungpagmamahal mo. Andami nating pinagdaanan, mga eksenasa buhay na nagpalungkot at nagpasaya sa atin. Pero anong nangyari? Tinapon mo na lang ako basta basta, para akong lumang damit na hindi na maganda. Basta basta mo na lang bang kalilimutan at tatalikuran ang lahat? Iniyakan mo pa ako nun, kesyo patapon ang buhayko at walag patutunguan. Ako na ngayon ang umiiyak. Pero nagbago ako, di lang para sa sarili ko kundi para sayo din. Naghanda ako para sa hinaharap nating dalawa, magkasama. Sinabi mo na hindi na magbabago ang nararamdaman mo para sa akin, ang tanga ko. Nauwi lang din sa wala ang pinaghirapan natin. Kinalimutan mo na lang ang lahat.Di mo man lamang ako binigyan ng pag asa, pangalawang pagkakataon. Tinalikuran mo tayo. Tang ina, ang sakit nun, sobra. Akala ko hindi na ako maapektuhan ng mga ganitong bagay, pero pinatunayan mo at pinaramdam mo saken na kung gaano kasakit ang mawalan ng taong minahal mo ng labis. Pero, kakayanin ko maging mag isa muli. Alam kong may nahanap ka nang iba, agad. Bago pa tayo matapos, nakita mo na sya. Sana maging maayos din kayo, sana mahanap mo sa kanya ang mga hindi mo nahanap sa akin. Sinubukan ko maging perpekto sa mga mata mo, hindi ko na inisip ang sinasabi ng ibang tao.Bahala na kung mapahiya ako, basta't para sayo. Sana gawin nya rin yun para sayo, kasi sukatan to ng pagmamahal, sakripisyo. Katulad ko, dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo ay hindi ko na inisip ang sarili ko, inisipko na lang ang kaligayahan mo, ginawa ko na ang pinakamasakit at pinakamatinding sakrpisyo, ang pakawalan ka. Alagaan ka nya sana. At kung sakaling nagkaproblema ka, wag ka mag alinlangang lumapit sa akin, nandito lang ako. Wala akong kinikimkim na galit o kung ano man. Oo, totoo ito, totoo ang mga sinasabi ko, at nagpapakatotoo lang ako. Di mo na nga ako mahal, tanggap ko, pero tanggapin mo rin sana namamahalin pa rin kita kahit ganito na tayo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home