Road to Reprieve

Thinking aloud. Trying to understand the things around me. Pseudo-intellectual conversations with Robin. And dealing with a new chapter in this book I call my life.

Friday, June 09, 2006

My back is like meth, IT'S KEEPING ME AWAKE!

Kakatapos lang ng birthday celebration ng pinsan ko na si Shereen, dapat 19 na sya ngayon. Pero maaga syang kinuha sa atin. I'll see you when I get there, pinsan... or maybe titingala na lang ako pataas, para makita ka. Hardy har har.

Ang sarap mag barbecue ngayon, ang ganda ng weather. Hindi liliyab ng todo yung apoy sa grill. Ako nga pala nag assemble nung grill kanina, ang galing! Naalala ko nanaman yung mga Transformers ko noon, parang ganun ko din ginagawa. Kalikot-kalikot.

Nag inuman sila kanina, pero hindi na ako nakainom, ang sakit kasi ng likod ko. Makakasakit pala sa likod ang 500 sit ups?! Oo, totoo, naka 500 sit ups ako kanina. At kung tatanungin nyo kung ano naman ang kinalaman ng likod sa di ko pag-inom ng alak e eto: kasi uminom ako ng mga gamot.

Dapat pupunta pala kami kanina ni Paolo kela kuya Jeff, magkikita-kita kami dun nila Kiko. It's game time na sana(at hihiram pa ako ng dumbells), pero napagod yata si kuya Jeff kaya di na kami natuloy, dibale, may next time pa naman.

Kahit na tumira na ako ng gamot e nararamdaman ko pa rin yung sakit ng likod ko, dibale, okay lang ako. Boys don't cry naman e. Ang inaalala ko lang e pupunta kasi kami mamaya sa York kasama ang buong familia,(hindi ito oto) pero hapon na kami lalarga. Ano pa kaya ang maabutan dun kung hapon na? Bukas pupunta din sila Kiko at kuya Jeff sa York e, titingin ng mga collectibles, sigurado ako maghahanap nanaman si Kiko ng mamahaling Star Wars na mga laruan. Hindot na mga laruan yan, GINTONG PLASTIK! Parang pang-matrikula na yung presyo ng isang laruan na ganun e!

Pero kahit na sumasakit na ang likod ko e gagawin ko pa rin yung exercise routine ko bukas. 500 sit ups nanaman(TULOY TULOY YAN!). Punyeta, kelangan ko nang tanggalin itong mga 'lovehandles' ko, ampangit tignan.

Anong oras pa ako magigising neto? 3:50 na ng umaga dito, sabi na nga ba't dapat nag u-Uberman sleep schedule na lang ako e para pa nap nap lang ako. Dati naman nagagawa ko yun e. Isipin nyo, gising kayo BUONG araw at gabi, may cat naps nga lang ng 15 minutes every 4 hours, pero gising pa rin ang diwa mo sa araw na yun. Pwede mo pa tuloy-tuluyin. Wag ka lang magpapakalasing, masisira ang sleep schedule.

Andami ko nga palang ginawan ng testi kanina, mga old friends. Hindi naman ako nag e-expect ng testi galing sa kanila, parang feel ko lang talaga gumawa ng mensahe para sa kanila. Ewan ko lang kung anong pumasok sa utak ko ngayon.

Naiinggit ako sa mga blogs na magaganda! Gusto ko rin ng mga ganun! Gusto ko masali sa top blogs ng Pinas! Iniisip ko na gagawa na lang ako ng site bukas(kung may oras pa ako) tapos ire-republish ko ang aking blog. Pero iniisip ko sayang naman yung ginawa ni Lace para sa blog ko, mahal na mahal ko pa naman yung tagboard/messagebox/tagbox/messagebox ko! Napaka komplikado naman kasi netong Blogger e, hindi ko gamay! Pero kung gagawa ako ng site, edi mas mapapaganda ko pa, pwede ko lagyan ng kung ano-ano. Pero antagal ko nang di gumagawa ng site e, panahon pa yata ni kopong-kopong nung huli akong gumawa. Mga limang taon na yata ang nakakaraan nung huli akong gumawa ng site. Punyeta, naalala ko nanaman yung huling site project ko, na gawan ng site ang Pats, hindi rin natapos. Anlakas pa kasi ng trip ko nun e. Si Jon Bisaya kasi ang ingay maglaro ng hitman at si Bong kung ano anong erotica ang binabasa, nadidistract tuloy ako.

ANYWAY, time for me to get some shut eye(sana). Vote this blog para makapasok ako sa top blog sites ng Pinas!(May tawag saken e... AMBISYOSO!)

Naku, hindot!

1 Comments:

Blogger Lace Llanora said...

oo nga sayang naman ung ginawa ko noh :P pati ung links, photos, etc. beh. well para gumanda kuha ka ng maraming photos then lagay mo to your posts haha :)

2:23 AM  

Post a Comment

<< Home