Road to Reprieve

Thinking aloud. Trying to understand the things around me. Pseudo-intellectual conversations with Robin. And dealing with a new chapter in this book I call my life.

Monday, June 19, 2006

Isang araw ng Barkadahan 2000


Kakagising ko lang, grabe 6AM na ako nakauwi.

Sinundo ako kahapon ni kuya Jeff ng mga 1PM sa bahay, punta kami ng Nottingham. Oo, dun nakatira si Robin Hood at nandun din ang Sherwood Forest, yung kuta nya. Pero bago kami pumunta ng Nottingham, dumaan muna kami sa Sheffield.

Pagdating namin sa Sheffield, tumingin muna kami ng mga relo ni kuya Jeff, kasama din pala namin sila kuya Ruel, si 'Pungay' kung tawagin. Akala ko naman kasi na malaki yung sinasabi ni Paolo na bilihan ng mga 'interesting' na mga gamit dun, pero maliit lang pala. Umalis din kami after an hour or so, tumuloy na kami sa teritoryo ni Robin Hood, ang dakilang kawatan.

Pumunta kami sa Nottingha kasi party yun para sa baby nila kuya Al, yung misis nya manganganak na in a week or so. Pagulat kumbaga. Hindi nila alam kung babae o lalake yung anak nila, suspense! Andaming mga bisita, mga Noypi din, pero may isang pamilya na Briton/Breton. Meron silang anak na pwede na pero ambata pa pala! Katorse! Pedopilya ang kasi ko neto kung sakali, pero sige lang, sugod lang.

Sige, kain kain, inom inom. Nung natapos na ang lahat e bumalik na kami sa Wakefield kung saan kanina pa kami inaantay ni Kiko para matuloy na ang plano ng Barkadahan 2000. Jino-joke time ko nga si Shon-shon na malakas kumain, niloloko ko na kumain sya ng pitong inihaw. LoL, etong anak ni kuya Jeff na 'to e parang nakakain ng madaming kendi at uminom ng isang litrong kape dahil sobrang aktibo, hindi nauubusan ng lakas, hindi napapagod! Napaka-hyper, naalala ko tuloy sarili ko 3 years ago... ANYWAY! Nakarating kami sa bahay nila kuya Jeff ng mga 10 na ng gabi.

Syempre, ano pa ba ang ginawa namin kundi maglaro ng NBA! Bago kami umalis ni Paolo e may 'tournament' kami, ika nga. Kung saan may palabunutan at maglalaban kaming apat sa premyo ng halagang £20! Naalala ko nanaman yung paglalaro ko ng NBA sa Skins dati kung saan nanalo ako ng limpak limpak na salapi! =p Ang nabunot ko e si Paolo, so sya kalaban ko. Magkalaban naman si Kiko at si kuya Jeff. Ang iniisip ko lang e, hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, ang galing galing ng Dallas ko, ng opensa ko, ng depensa ko, pero hindi ko talaga malaman kung bakit hirap na hirap ako sa Cavs ni Paolo. Parati akong nadadali sa second half.

Natapos kami sa paglalaro ng mga 2AM na, umuwi na si Kiko, may plano pa kasi kaming manood ng Finals sa cable kaya nag stay kami ni Paolo. Dallas(team ko) vs Miami(team ni kuya Jeff). Natapos na yung laro ng mga alas singko y medya dahil sa mga commentators na sobrang boring. Nanalo ang Heat dahil sa katangahan ni Josh Howard. Disappointed ako nung umuwi, pero masayang natapos ang araw ko.

Isang araw ng Barkadahan 2000.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home