England 2-2 Sweden
Nagmadali ako kanina maligo para mapanood lang yung laro ng England. 8PM nagsimula, 8:20 na ako natapos. Pagkalabas ko ng banyo, nag ring yung telepono, si Paolo yung tumawag, naka score daw England! Astig! Nagmadali agad ako, nagbihis, di na ako nakapagsipilyo, inisip ko mamaya na lang, after ng laro. Eto nakasi yung last game ng England sa division na 'to e.
Pagkabukas ko ng TV, nakascore nga England! Nagtaka ako, nawawala si Owen. Bakit nawawala si Owen?! Na injure pala! Tatanga tanga kasi, natapilok, ayun may torn ligament yata sa tuhod. Professional tapos ganun?! Hindot! Anyway, ang naka score nga pala e si Joe Cole, ulo ang ginamit, yan ang 1999th goal sa buong Fifa, ang unang naka score e isang French. Sumunod nakagoal naman si Allback ng Sweden, tang inang 'to, ang galing maglaro!
Akala ko hindi na makakagoal ulit ang England kasi madalas nasa Sweden ang possesion, at andaming attempts ng Sweden laban sa England, pero HINDE! O hinde! Nakagoal si Gerrard! Biglang naramdaman ko tumibok ang puso ko nun, WONDERFUL GOAL ika nga ng commentators, wonderful talaga dahil mejo may kalayuan! Depensa na lang kelangan ng England para manalo laban sa Sweden, after 38 years mananalo na sila... DAPAT! Pero HINDE! O hinde! Nakascore si Larsson, last goal nya e November 2004 pa, bakit ngayon pa?! BAKIT?! Last two minutes na lang, kilala pa naman sa depensa ang England, bakit di nila inayos? Argh, asar.
Natapos ang laro ng 2-2, ang habol talaga dito e ang pagkapanalo laban sa Sweden, kahit pasok ang England sa next round e pangit yung pagkapasok nila, sweep sana nila yung division, pero hinde. Sana ayusin naman ng England ang depensa sa susunod. Disappointing. Tsk.
Sana manalo mamaya ang Dallas laban sa Heat para hindi ako maasar ng tuluyan!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home