Skins
Naalala ko tuloy si Chuck Perez, isang action star sa pinilakang tabing. Yun ang bansag saken dati nung tumatambay pa ako sa Skins kasama si Primo, si Bossing, at si Spongy. Nakakamiss yung mga panahon na yun kung saan all night kami mag ti-trip. Maglalaro ng NBA o magte-Tekken or iinom, or makikipagkwentuhan.
Madami akong nakilala at natutunan sa pagtambay ko dun sa Skins, hindi lang puro tennis ang inaatupag namin, kundi mga diskarte sa buhay at kung ano ano man. Kung gano kahirap makaraos, gano kahirap mapaligaya ang mga tao sa paligid mo, pano to at pano yan. Merong mga tao dun na nag fall-from-grace, dating mayaman at may syotang bold star pero ngayon e naghihirap na dahil 'dun', merong mga 'dun' na lang umiikot ang mundo nila at 'dun' din nakabase ang buhay nila.
Hindi ko napansin na magakaron din pala ako ng learning experience sa lugar na yun.
Dun din ako nagkahilig sa casino, actually. Si Spongy kasi at si Bossing e madalas dati sa casino.
At least masasabi ko na 'napagdaaanan ko na yan' at tapos na ako diyan.
Dumadaan-daan pa naman ako sa Skins paminsan minsan. Si Spongy nakikipagusap sa mga tambay ng bar, si Bossing may kausap sa loob ng opisina. Napapadaan lang ako para kamustahin sila at ang buhay buhay nila. Kahit papano e may pinagsamahan kami. Hindi ako nagiging nostalgic.
So malaki ang pasasalamat ko ke Primo, ke Bossing, at ke Spongy for making it fun while it lasted. Mami-miss ko yung mga pinagsamahan natin. Masasabi ko ba na 'hanggang sa susunod'? LoL, siguro hindi na.
1 Comments:
hoy may blog na din ako...nakakagaan pala ng loob
hahahaha... its rbitoy.blogspot.com
Post a Comment
<< Home