Road to Reprieve

Thinking aloud. Trying to understand the things around me. Pseudo-intellectual conversations with Robin. And dealing with a new chapter in this book I call my life.

Thursday, May 25, 2006

Umiinom habang pinagmamasdan ang araw

Kakatapos lang ng barbecue sa bahay ng tita ko, nanaman. Andami nanamang protina ng katawan ko, maskulados na ito balang araw!(asa ka bok)

Ang ganda ng weather kanina kahit medyo malamig, ang ganda ng araw, ang sarap tignan tignan habang umiinom ng amber nectar.(hanep!)

Ang hapdi ng balat ko ngayon, siguro dahil sa tubig 'to at dahil sa tubig, masyado nang dry. Kelangan ko na ng lotion.(wapak!)

Bukas, lalarga kami papuntang pontefract, iinom nanaman. Walang humpay na inuman.

Nandito kami ngayon kela kuya Jeff. Kami nila Paolo, kuya Jeff, at Kiko. Inaalat ako ngayon sa laro, tatlong sunod na talo, hindot. Sana naman manalo ako maya maya.

Wednesday, May 24, 2006

So much drama.

I didn't need anybody eleven months before, I didn't care if the sky fell down on the earth and resulted in the extinction of the human race. I just didn't give a damn.

Then why am I like this right now? So worried with what the next day might bring, waiting for the axe to fall. Something changed me, someone found my heart and grabbed my attention, grabbed me by the balls, and made me care, not forcefully, though. That person opened up these baggy eyes and made me look at the world in a different light.

Yes, I hated everybody. I was very resentful, I was pessimistic, and I was an asshole all my life; but in just eleven months, I changed. I never thought that I could change, I believed that I was on top of everybody, that I was better than anybody else, foolish pride. She was like a slap in the face.

Now she's out of my life, I don't know what to do anymore. Haven't got a clue. I started building my life around her, and all of a sudden, she pulled out of it. Now, I'm sitting here like a dunce in a corner and thinking of what to do next, but my mind is always drifting off, worrying, wishing.

I found happiness for only a short while, a taste of heaven. But now, I feel as if I don't know what happiness means.

Maybe it's time to let go. Let go of everything and start anew. But I don't want to, I don't fucking want to. I want to fight this, but how can I when I'm so far away. What can mere words do? Ah, fuck this, I so fucking love you.

So much drama.

Sunday, May 21, 2006

Bakit kinagat ni Adan ang mansanas ni Eba?


Tanong nya 'hanggang kailan'? Ang sagot, 'hanggang kamatayan'

Hindi nila matandaan kung sino ang unang nagsabi, kung sino ang unang nagtapat, nalunod na ang alaalang yun sa dami ng pinagdaanan, nawala na lang sa isipan na parang iglap. Ang alam lang ng isa ay sya pa rin ang huling magbabanggit ng mga huling salita na yun, ang mga salita na magpapakita kung ano ang nasa saloobin nya.

Inaasam asam ng isa ang pagbalik ng mga salitang yun, galing sa kaniyang dating kabiyak. Mga salitang muling bubuhay sa mga nakaraan, mga salitang magpapabago ng kasalukuyang hirap, at mga salitang magbibigay ng kulay sa hinaharap.

Saturday, May 20, 2006

Simpleng buhay, simpleng problema

Ilang araw na lang e makakauwi na kami ni Paolo, pinsan ko, sa Pilipinas. Kwarenta'y singkong araw na lang, pero madami ako mamimiss dito sa Englatera. Mga kaibigan at mga kamag-anak.

Ano naman kaya ang mga mangyayari pag uwi ko sa Maynila? Pare-parehong mga muka, pare-parehong mga kaibigan, pare-parehong mga lugar, pero iba't ibang buhay. Tama nga naman, lahat ng nagbabago. Mag aalinlangan ka rin magbago kasi hindi mo alam kung anong mangyayari. Kung kelan nakuntento ka na sa buhay mo, eto, tsaka darating ang pagbabago.

Simpleng buhay, simpleng problema. May punto. Kain, tulog, basa, aral at usap. Yan na lang siguro ang buhay ko pagdating ko sa Maynila, isang napakasimpleng buhay na hindi ko pa nasusubukan. Hindi na siguro ako babalik sa dati kong buhay na puno ng galit at sama. Pero siguro, isang araw, sasabog na lang ako na parang granada.

Napakabilis ng mga pangyayari, napakabilis ng panahon. Ang mga pagkakataon na nasayang, di na muling maibabalik.

Hindi ko na alam kung may sense ang mga sinabi ko. Hindi ko rin alam kung anong punto ng lahat ng ito.

Gusto ko lang magsalita.

Thursday, May 18, 2006

Kape


Noir comme le diable,
Black as the devil

chaud comme l'enfer,
hot as hell,

pur comme un ange,
pure as an angel,

doux comme l'amour.
sweet as love.

Wednesday, May 17, 2006

Ang papaitan ni kuya Jeff, siopao ng Chowking, at ang bukang liwayway sa Englatera



Kakagaling lang namin kay Kuya Jeff, ang isa sa pinakamabait na Pinoy dito. Napakahospitable at sobrang mapagbigay. Sya yung tipo ng tao na parang hindi na maasar sa kahit anong bagay na ibato sa kanya, sana maging ganun din kahaba ang pasensya ko.

Hindot! Natalo ako ng pinsan ko, Dallas laban sa Cavs. Tang inang Lebron na 'to. Ang lakas sumaksak. Teka, kaya siguro ako natalo dahil may halo nang alak... AH! Oo, tama! Dahil nga sa pesteng alak na yan.

Nung pauwi na, andaming mga pesteng mga kuhol sa daanan, iningatan ko na wag tapakan kasi baka madumihan ang sapatos ko. Anlalaki ng mga pusa dito, tancha ko mga lima o anim na SIKSIK na siopao ang magagawa mo sa mga lintik na mga pusa dito.

Habang papalakad pauwi ay natanaw ko ang bukang liwayway sa Englatera, ang ganda para kang nagpasalon. Punyeta, ang aga sumikat ng araw, isipin mo e alas tres y medya pa lang e nagsisimula nang umakyat ang araw dito. Kaya siguro hinde uso ang mga aswang dito.

Hi nga pala sa mga fans ko jan na palaging nagbabasa ng blog ko, especially kay Ms. Lace Llanora. Salamat sa pag tangkilik. Kasali na kayo sa weekly raffle kung saan mapapanalunan mo ay apat na lagas na bulbol, isang tutchang, at water pipe na puno ng laway. Yun e kung mabunot ang pangalan mo sa tambiolo ng kapalaran.

Nagiging herbivore na ako pautni-unti. Puro gulay na lang ang kinakain ko at prutas. Nainom pa ako ng gamot na pampapayat(hindi sa mataba ako, big boned lang). Tang ina, sa mga panahong ganito you need s... er, you need a juicy, para maibsan ang pangangailangan mong kumain.

Kamusta na kaya si Cathy? Ano na kayang balita sa kanya. Sya nga pala yung naging parang 'girlfriend' ko sa Malate na 30 years old na, pero anlaki ng s... At mukang mga 26 pa lang. Hmmm, sana maayos naman sya. Miss ko na rin ang Skins at sila bossing at sila Spongy! Sana naman e updated na ang console dun, sana bumili na sila ng PS2. Naalala ko dati, nanalo ako ng 1800 sa isang gabi dahil sa NBA Live. Hindot na NBA Live na 'to, ayaw talaga akong tantanan. Kahit saan ako magpunta, eto pa rin ang kinakaadikan ko.

Haaay, putang ina. Anong oras na, hindi pa rin ako inaantok.

Naiwanan ko kasi sa isang bahay yung putang inang Anansi Boys e. Wala tuloy akong mabasa dito. Sana dinala ko na lang. Ang susunod na bibilhin ko e yung libro ni Marilyn Manson at yung isang libro ni RA Salvatore(kung lumabas na sa papaerback). Ang tumal ng buhay dito, mas maganda dito manirahan pag may pamilya ka na. Pero pag single, mas maganda talaga sa Maynila. Kamusta na kaya ang asawa ko? Nasaan kaya sya? Do you believe in love at first sight or should I pass by again? LOL.

Grabe, ang sakit na ng likod ko, hindi ko alam kung dahil sa pagtulog ko lang 'to o dahil sa 'back breaking' work na ginagawa ko dito. Pero proud ako na sa tinrabaho naming hardin. Ang linis na tignan. Problema nga lang e maulan. Yung ambon, kinakaya ko pa matiis dito, pero pag umulan na, mahirap nang kumilos at masyado nang maputik. Maputik, mahirap, at madumi... TRABAHONG LALAKE!

Speaking of trabahong lalake, kelangan ko pa palang magising mamaya ng maaga, alas kwatro na sa relo ko. Dibale, may magpaparamdam naman saken sa gitna ng pagtulog ko kaya magigising nanaman ako. Ay puta! Kelangan ko pa nga pala mag burn ng mga kanta ni Marilyn Manson para bukas sa 'entertainment showcase' habang nagta-trabaho. Anak ng puta, anim na kanta pa lang kasi yung nandito, e buti sana kung may iPod na ako, pero wala pa. Punyeta, low tech!

O sya, sige na. Lumaki na butas ng ilong ko at humikab na ako, naramdaman ko na yata ang antok. Paalam, hindot.

Nakakaasar ka na!

Naaasar na ako sayo ha. hindi ko alam kung bakit mo ginagawa saken to. Tang ina, di na ako makatulog ng maayos dahil sayo, kelangan mo pa bang dumapo sa isipan ko tuwing matutulog ako? Kinakailangan ko pang uminom ng madami para masimulan ang pagtulog! Ayoko namang mabansagang alcoholic, pero kelangan talaga ng alak para mawala ka sa isipan ko!

Dahil sayo, maaga akong nagigising, hindi ako makatulog ULIT kasi tuwing naalipungatan ako e ikaw ang pumapasok sa utak ko! Kesyo kamusta ka na o kung ano na kaya ang ginagawa mo, puta mahirap ang ganito! nasasapawan mo ang hang over na dulot ng alak na ininom ko kinagabihan/kinaumagahan!

Ang gusto ko na lang naman e mapanaginipan ka, dahil alam ko, sa panaginip na lang kita makakasama. Pero kelangan mo ba akong dalawin araw araw sa mga panaginip ko?! Intense ka rin a! hayaan mo naman ako magkaron ng ibang panaginip, tulad ng wet dreams tungkol ke Diana Zubiri; o kaya'y rumaratrat ng langgam na puti na gamit ang armalite na hihiramin ko pa lang ke Ramon(think, ano ang langgam na puti?); o kaya'y ang pagbugbog ko ke Steven Seagal! Sa araw naiisip kita; sa gabi, bago matulog, nagpapaalala ka saken; at sa pag gising, ikaw unang pumapasok sa utak ko; wala kang patawad! Para kang droga na hindi mawalay sa isip ng adik. Para kang kati sa likod na di maabot ng kamay. Para kang ipis na tinatakot, pero unti unti pa rin lumalapit sa paa ko.

Natatandaan mo ba na may sakit pala ako sa puso? Hayop lang talaga, mas intense na yata ang sakit ko sa puso, hindot! Sinasabayan mo na kasi e! Pero dati, pag nararamdaman ko na parang pinipisil ang puso ko e umaasim ang muka ko, pero ngayon, dahil kasabay mo na ang pag-atake neto, e hindi na ako parang si kuhol na umaasim ang muka, may matamis na ngiti na nakapinta sa muka ko. Kaya pag natuluyan ako, knock on wood, wag ka na magtaka kung ba't ako nakangiti sa kabaong. LIWANAGIN mo sa kanila na hindi ako namatay habang ruma-rapsa, humihits, o namatay sa kiliti.

sige na, kailangan ko na munangmag ritwal bago matulog.

Tuesday, May 16, 2006

Alas dos, nakainom, walang amats. Tsk.


Punyeta, kaninang alas kwatro pa ng hapon ako umiinom kela kuya Alex hanggang ala una ng madaling araw e hindi pa rin ako tinatamaan. HANEP! Ang lakas ko naman uminom! (Mga hindot, hinde lang isang can ng alak ang ininom ko, madami-dami din) Nakalimutan ko pa kunin yung CD ng Air Supply! ASAAAAAAR, magbu-burn sana ako ng mga kanta nila.

Kakasimula ko pa lang pala ayusin yung garden sa bahay, tang ina, nakakatamad. Di pa ako makapanigarilyo dahil nandun si ma(mama's boy e)

Pag uwi ko pala ng Pinas, baka magpa pierce ako sa dila at sa tenga at sa ilong. Maglalagay ako ng chain sa tenga hanggang sa ilong para astig!

Pag uwi ko din, baka magpa-tatoo na ako, kung si Anthony may anghel sa likod nya, ako maglalagay ako ng demonyo. Sa kaliwang braso ko, maglalagay ako ng ahas na nakapulupot, magsisimula ang buntot sa shoulder ko tapos paikot sa braso ko then yung ulo nya, nasa may fists ko. Ganun din sa right arm ko, pero dragon naman. Pero gusto ko talaga yung swastika sa noo.

Punyeta, saan kaya ako makakahanap ng mga scandals sa internet? Tang ina kasi, gusto ko yung buo! Ayoko ng bitin! Nakakabitin e!

Kakapanood ko nga lang pala kay Steven Seagal kahapon, PUKINGINANG GALING! Napaka fluid ng movements nya, parang iniitsa nya na lang basta basta yung mga kalaban! Swooosh! Napakasimple nyang pumatay, isang ikot lang ng kamay, bali na agad ang leeg ng kalaban! Tang ina, pag nakaharap ko si Steven Seagal sa laban, play dead na lang ako.

Ang mahal magpapatay ng tao, mga singkwenta mil na ngayon. Tang ina, sampung libo lang ang buhay e! Buti sana kung may kotse yung ipapaligpit mo e WALA, mahirap kasi e! Tang ina talaga oo. Sagot mo pa yung baril, pati yung pangkain ng mga hindot! Puta. Well, at least di ka dawit, hehehehe. The 26th Law of the 48 Laws of Power: keep your hands clean. Haaay, revenge is bittersweet. Ika nga ni Wilhelm Diaz e: 'don't get mad, get even.'

Sige na, manonood muna ako ng South Park, may bagong episode akong na DL e. Paalam mga bata, tang ina nyo! =)

Saturday, May 13, 2006

Angst


Hanep! Ang galing, nagbago na daw ako sabi ng pinsan ko. Dati daw punong puno daw ako ng galit, pero di na raw ngayon. Sa tingin ko e tumatanda na ako. Dati daw kasi punong puno daw ako ng, get this, 'Angst'. Warra coincidence! Anyway, gusto ko lang i-share. Punta na muna siguro kami kela kuya Jeff para mag b-ball.

Update na lang ako siguro ng blog ko mamaya para sa mga taong may panahon magbasa ng blog ko. As if interesting ako e noh? LMAO.

Wow, miss ko na maging astig.

No kitty, this is my pot pie!

Kakaalis lang ng lola ko papuntang Boston, hindot 'di ako nakasama. Kinailangan pa gumising ng maaga kanina sa paghatid. May hangover pa ako, puta.

Baka mamaya mapalaban nanaman ako sa NBA Live 2006 sa Xbox 360. E ang tanong e kakayanin ba ng mga katunggali ko si Dirk Nowitzki?

Wala nang mapanood dito, napanood ko na lahat ng video streaming ng South Park na available sa internet. Kinakailangan ko tuloy mag DL sa MIRC para matugunan ang aking pangangailangang mapanood si Cartman. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya. =P

Friday, May 12, 2006

Foster's the Amber Nectar


Hanep! Ang sarap naman uminom! Kakagaling ko lang kela Danica, birthday kasi ng mom nya. Kahapon pa ako umiinom ng beer(Foster's, the amber nectar). Haaay, weekend nanaman, saan kaya ako mapapadpad neto? Sana sa Jailbirds nanaman, naghanda na ako ng salapi para sa lap dancing session ko. HAHAHAHAH! Ay, honga pala. May one on one pa pala kami ni Danica bukas sa inuman. Baka dito daw sya makitulog samen, pero I doubt na papayagan sya ng tatay nya.

Ewan ko ba, may problema na yata ako sa pagtulog. Maya maya na lang nagigising ako. Kelangan ko na talaga ng mga pampatulog, siguro mogs o kaya kahit vs na lang.

Hindooot! Ala una na pala, maghahatid pa ako sa lola ko papuntang Manchester, uuwi na kasi sya papuntang US e. Dapat kasama ako, pero wag na lang. Putang inang ticket na yan, sisenta mil! Akin na lang yung kalahati para may pang lustay ako sa Pilipinas. Mga makamundong bagay Mr. Chua, ang saya saya!

Nabilang ko lang, humigit kumulang na kwarentang katao na pala ang mga nagiging kaibigan ko dito sa Englatera. Kasama na dun yung mga kapitbahay namin na Briton na sina Barry at Lottie at si Steve at yung asawa nya pati yung mga friends sa Pontefract at mga kaibigan dito sa Wakefield, katulad nila kuya Jeff at ni Kiko. Hanep, ma-PR!

Ilang araw na lang babalik na ako! 50+ days na lang. Agenda: 1. Hahalik sa lupa 2. Hindi ko pa alam. LOL.

Anyway, kelangan ko nang mag node sa everything2, hanggang sa muli. PAALAM!

Putang ina mo, mahal na mahal kita!

Minahal kita. Binigay ko ang lahat ng makakakaya ko para sayo. Wala akong hiniling na iba kundi yungpagmamahal mo. Andami nating pinagdaanan, mga eksenasa buhay na nagpalungkot at nagpasaya sa atin. Pero anong nangyari? Tinapon mo na lang ako basta basta, para akong lumang damit na hindi na maganda. Basta basta mo na lang bang kalilimutan at tatalikuran ang lahat? Iniyakan mo pa ako nun, kesyo patapon ang buhayko at walag patutunguan. Ako na ngayon ang umiiyak. Pero nagbago ako, di lang para sa sarili ko kundi para sayo din. Naghanda ako para sa hinaharap nating dalawa, magkasama. Sinabi mo na hindi na magbabago ang nararamdaman mo para sa akin, ang tanga ko. Nauwi lang din sa wala ang pinaghirapan natin. Kinalimutan mo na lang ang lahat.Di mo man lamang ako binigyan ng pag asa, pangalawang pagkakataon. Tinalikuran mo tayo. Tang ina, ang sakit nun, sobra. Akala ko hindi na ako maapektuhan ng mga ganitong bagay, pero pinatunayan mo at pinaramdam mo saken na kung gaano kasakit ang mawalan ng taong minahal mo ng labis. Pero, kakayanin ko maging mag isa muli. Alam kong may nahanap ka nang iba, agad. Bago pa tayo matapos, nakita mo na sya. Sana maging maayos din kayo, sana mahanap mo sa kanya ang mga hindi mo nahanap sa akin. Sinubukan ko maging perpekto sa mga mata mo, hindi ko na inisip ang sinasabi ng ibang tao.Bahala na kung mapahiya ako, basta't para sayo. Sana gawin nya rin yun para sayo, kasi sukatan to ng pagmamahal, sakripisyo. Katulad ko, dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo ay hindi ko na inisip ang sarili ko, inisipko na lang ang kaligayahan mo, ginawa ko na ang pinakamasakit at pinakamatinding sakrpisyo, ang pakawalan ka. Alagaan ka nya sana. At kung sakaling nagkaproblema ka, wag ka mag alinlangang lumapit sa akin, nandito lang ako. Wala akong kinikimkim na galit o kung ano man. Oo, totoo ito, totoo ang mga sinasabi ko, at nagpapakatotoo lang ako. Di mo na nga ako mahal, tanggap ko, pero tanggapin mo rin sana namamahalin pa rin kita kahit ganito na tayo.

Wednesday, May 10, 2006

Yo no soy hardinero!

LOL, kakatapos ko lang mag garden, ulet. Ang hirap, nasugatan pa ako. Di pa nga ako nakakaligo e kasi kinausap ko pa sila June at si Opi. Kahit papano naman na okay naman ako. Mabubuhay naman ako ng wala sya. Mahirap, pero kakayanin. Ako e! Gwapo e! Lord e! Wala naman akong kinikimkim na sama ng loob para sa kanya o sa 'ibang tao' kasi ang naisip ko, kung ang Diyos mapagpatawad, ano pa kaya ako! Pero kahit pambabastos ang ginawa saken, okay lang. Mamaya makidlatan pa ako e. Siguro karma lang to, andami ko kasing mga nagawang masasamang bagay nun e. Mga sobrang sama talaga. Kaya siguro sobrang karma din ang natanggap ko. Pero okay lang, pasensyoso naman ako e. Martir na kung martir, malinis ang konsensya ko, wala akong ginawang masama. Kita kits na lang sa finals. =)

Que sera, sera. Whatever will be, will be. Que sera, sera.

Anyway, parang kelangan ko nang maligo. Andumi na ng mga kuko ko at madami nang lupa sa carpet. Naku yari, HINDOT!

Tuesday, May 09, 2006

May na pala!

Just got back from Danica's house. Masaya naman tumambay kasama siya. Usap lang tungkol sa kung ano ano, shit and stuff. Nagsend pa ako sa kanya, via bluetooth, ng mga 'nasty' things na nakalagay sa mobile ko. Hehehe. ]=) Maybe next week, punta kami sa mall and mag shopping kami ng bags and stuff, pero di pa naman sure yun. Antagal kasi ng pera e! It's her mom's birthday on friday and she invited me to come. Astig, inuman nanaman!

Monday, May 08, 2006

Another day, just breathe.

Another day, another fucked up day. I wish I had some Ritalin, I badly need an overdose. Even without stimulants, I seem to have trouble sleeping, some kind of mild insomnia, if you'd rather. Jeez, what I wouldn't give to go back home. I swear to God that I will kiss the fucking ground when I touch down in Manila on July 4... July 4, a date that I always celebrate alone... and now, here's July 2, another day that I'll celebrate alone. Alone, it has a nice ring to it, but so hollow. Like a dunce sitting in a corner, like a kid watching the clouds go by, and, of course, like me.

Another day of listening to old songs and a hell lot of Sinatra. Do you guys know the song 'They can't take that away from me'? The way your smile just beams. The way you sing off key. The way you haunt my dreams. No, no, they can't take that away from me. Ah, Sinatra, good ol' blue eyes, the perfect companion when you feel oh so down.

Sunday, May 07, 2006

My resolve

Not stone or brass,
these perish with the flight of time and quickly pass,
but love endures in every time.
Eternal as the poet's rhyme.

Not brass or stone,

these will corrode and some day die,
but love alone laughs at decay
and soars on high to fragrant immortality.

I wanna disappear

For the past few days, I have felt so miserable that I simply want to disappear. I don't have my barkada over here, but there are a couple of new found friends, I feel so isolated, and to top it all off, Bernice and I broke up. I always thought that we would last, but shit happens. God, how I love that girl. She put a smile on my face everyday, I've changed because of her, I cared for her, loved her, and most of all, I grew... but it all changed. Anyway, I don't know where to go from here, I'm thinking of joining(when I get home) this NGO in our school, ERDA. Might as well try to help other people out than doing nothing. That's all I can think of... Can you guys help me out? Where do I go from here? Should I try to win her(GOD PLEASE!) back? Should I just forget it(heaven forbid) and move on? Or should I just disappear?

I am an old shoe (anonymous)

I am an old shoe.
I was so comfortable to put on.
I was in style.
I was once brand new.

My owner loved me so much.
I always walked my owner home
I was with my owner when we walked the streets of the city,
looking for a refuge

I was with my owner everyday...
But after a few months,
I was ragged, dirty, and torn.
My owner threw me away.

Friday, May 05, 2006

The Jailbirds, a damn good time in England!


We, my cousin, kuya Alex and me just got home from a night out in England, Wakefield. Tang ina, ang saya pala mag bar hopping dito. Una, pumunta kami sa isang pub na puro rakista, uminom lang ng isang pint, then umalis na din agad. After nun, pumunta naman kami sa isang bar kung saan madaming 'fans' ang football, nagsisigawan ang lahat ng mga tao dun. Tang ina, ang ingay. Pero draw naman, ang bano naman nung team, sumunod e pumunta kami sa isang 80's bar na sobrang dami ang tao na parang yung suso ng babae e pwede mo nang matapik, saglit lang kami dun kasi di namin masyadong trip yung crowd. After nun e pumunta kami sa Jailbirds (www.jailbirds.co.uk), isang lap dancing/stripper club. Ang saya! May nakilala pa kami na pangalan e Leila, taga Australia. Baka bumalik kami dun next week with matching pictures. Anyway, time to sleep na. Andami ko nang nainom e. BB.


She is
That most perfect art

Her eyes
Small funhouse mirrors
Giving you countless interpretations of
Yourself

She is
That exquisite maze

Leaving you clues
So you can find your way lost
Over and over again

She is
That rarest of gems

A prism
Bending light
Always sending out more
Than she takes in



This was us. We shared a lot of good times. I'm going to miss her, just had to let her go. That's what she wanted. Haaay, the drama king strikes again. Anyway, maybe work will get my mind off her. Mag aayos na lang ako ng hardin mamaya.

A first

Just had a chat with a very old friend, we seem to have the same problems. I just wish I had a friend here, damn, I miss you guys so much. I'm pretty fucked up right now, I can't seem to concentrate and all. I just broke up with Bernice... Oh well. You can't win 'em all.