Huling La Bamba ng mga nagluluto ng lutong Macau
Nanalo si Manny Pacquiao kaninang umaga. Alas dos ng umaga nagsimula ang simulcast ng mga laban sa Araneta, nagsimula kay Gerry Penalosa. Magaling pa rin si Penalosa, pero yung kaaway nya, ampanget. Hindot yung itsura nun, mukang hininga.
Mga alas kwatro na nagsimula yung laban ni Manny kanina, nagtagal ito ng 12 rounds. Kinawawa nya si Larios sa laban! Hayop lang talaga si Pacquiao, parang nag training lang!
Punyeta, bente kwatro oras na ako walang matinong tulog. Natatandaan ko tuloy nung nag u-Uberman Sleep Schedule ako. Parang ganito din yung feeling, pero sa sleep sched na yun, kumakain ako ng ubas kaya okay lang na paputol putol yung tulog ko.
Pagtapos pala nung laban ni Manny, tumuloy na kami sa Car Boot kung saan nakabili ako ng South Park na bag. Eto ang gagamitin ko pagbalik ko sa escuela. Hanep! Istoodyoos! =p
E pagtapos namen sa Car Boot, tumuloy na kami sa Freeport kung saan namili nanaman ako ng mga damit, pero sumuko ako sa pamimili ng damit(OI! FIRST TIME!) dahil siguro sa sobrang pagod at sa sobrang init ng temperatura. Alam nyo naman, burat na burat ako pag mainit ang isang lugar at pag jinajabarr na ang pwet ko.
Pagtapos nun e umuwi na din kami, pero nanood lang ako ng kwento ni Geronimo sa 4. Hindot na mga lumang palabas, ambabaduy ng acting!
Birthday din pala ni Kikay ngayon, anak ni Pards! Nag BBQ pero medyo naudlot dahil sa lintik na ulan na yan. Ngayon ko lang naranasan ang malakas na ulan sa Englatera. Ang weather nga naman talaga, napaka unpredictable.
Nag inuman kami, ang last hurrah ng Barkadahan 2000, pero incomplete ang gwapings dahil absent si kuya Jeff. Nag videoke kami at kumanta ako ng aking huling La Bamba, ang aking favorite na kanta sa Magic Mic(MAGIC MIC TALAGA ANG TAWAG KO DITO, MS. JONES, AT HINDI NA MAGBABAGO YUN!), pero naudlot din dahil alas tres na at nabubulabog namin si Kikay sa taas. Borlog na kasi yung bata e.
Hanep! Ang kulay naman ng kwento ko ngayon! Pwede na ako magic author neto! Wooow, so full of life!
Anyway, kelangan ko na matulog dahil maggo-gotcha pa kami mamaya nila Pards. Hindi naman sa nagbubuhat ng bangko, pero HINDI PA AKO NATATAMAAN SA TALAMBUHAY KO SA GOTCHA! HUMANDA NA ANG AKING MGA KATUNGGALI!
Syeeet, kelangan ko na rin pala mag impake ng mga gamit. Punyeta, andami ko nang napamiling mga damit, baka mag excess ako neto.
O siya siya, matutulog na ako(SA WAKAS!). Hindot.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home