Road to Reprieve

Thinking aloud. Trying to understand the things around me. Pseudo-intellectual conversations with Robin. And dealing with a new chapter in this book I call my life.

Monday, July 10, 2006

World Cup Finals



Kagabi, nagplano kami nila Gino na pumunta sa Eastwood kung saan manonood kami dapat ng World Cup Finals, pero napagdesisyonan namin na manood na lang sa Podium. Di pa ako nakakapunta sa Podium, kagabi ang una kong punta dun. Pagdating namin, andaming tao! Siksikan! Pero okay lang, World Cup Finals e! Iniisip ko nga na dapat nag face paint din ako, pero wala akong face paint ng France. England meron. Naka full football attire ako, with matching spiked shoes. Pinuna pa nga ni Eugene yung sapatos ko. Pero wala akong pakialam, kanya kanyang trip yan. Walang pakialamanan ng trip. 2AM na kami nakarating sa Podium.

Anyway, nung una, naka score agad si Zidane dahil sa isang penalty shot sa 7th minute ng first half. Astig! At dahil dun, nanlibre ako ng dalawang pitchers ng beer. So bumili ako ng beer dun sa stall. Nung pabalik na ako, biglang nanlaki ang aking mga mata. Nabingi ang aking mga tenga. Nabasa ang aking Man-U na jersey...

Nagwawala ang fans ng Italia.

Nakascore sila!

Asar! Pagbalik ko sa table namen, tuloy pa rin ang inuman. Hanggang sa natapos ang laro. Talo ang France laban sa Italy. 4th World Cup na to ng Italy. Sayang, kahit sobra sobra akong nainitan, napawisan, natuluan ng tubig, nabasa ng beer. Okay lang. May 2010 pa naman e. Dun na lang kami babawi!

Go Ecuador! LoL.

Hindot!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home