Road to Reprieve

Thinking aloud. Trying to understand the things around me. Pseudo-intellectual conversations with Robin. And dealing with a new chapter in this book I call my life.

Sunday, July 16, 2006

Taong-ibon. Taong-bakal. Tao nga ba?

Naglakad ako ngayon sa lugar na sinusuka ko na at sinusuka na ako. Nagtitiisan lang kami ng lugar na yung pero pareho na kaming burat na burat sa isa't isa. Andami kong mga mukang nakita, mga taong masaya, mga taong malungkot at mga taong walang magawa sa buhay katulad ko. Naglakad ako para makita ulit si Kalbo, ang kalbo na nagbibigay saken ng swerte kahit hindi ako naniniwala sa swerte. Wala sya dun sa pinagtatambayan nya. Wala na akong swerte, kahit hindi ako naniniwala sa swerte.

Naghanap ako ng libro, isang paperback si Salvatore at yung bago ni Murakami, pero wala sa Powerbooks. Kelan pa kaya darating yun? Kaya bumili na lang ako ng Pugad Baboy 18, para makatawid ako sa araw na 'to. Kelangan ko lokohin ang sarili ko at mapangiti ng pekeng ngiti at makatawa ng pekeng tawa para makalampas ako sa araw na 'to. Naghahanap ako ng kasama, pero walang sasama sa akin. Mag-isa, mag-isang naglalakbay sa mundo, sa Maynila.

Isang araw na lang, sasabog na lang ako bigla. Mawawala na parang bula at walang makakapansin sa pagkawala ko. Ganun naman talaga, hindi kita pakikialaman basta't wag mo lang ako pakialaman. Walang basagan ng trip. Trip ko 'to.

Andaming mga tanong na sinusubukan kong sagutin, pero wala ang yung kaibigan kong taong ibon. Hindi pa sya nagpaparamdam saken. Nasan na kaya sya? Lumipad na rin ba? Sana makalipad na rin ako at makalas na ang mga bakal na humahadlang sa paglipad ko sa himpapawid. Ang sarap ng nasa ulap, pag nasa ulap ka na, hindi ka na pwedeng bumaba. Pero sa ulap nga ba ako aangat o sa iba ako babagsak?

wala na akong ibang mapagbuntungan ng galit at masisisi kundi ang sarili ko lang. Hindi mangyayari saken 'to kung di dahil saken. Tanggap ko na na ganito na ang mga nangyari saken. Wala nang iba pang mawawala saken. Hindi na ako ngayon takot sa dilim dahil may dala na akong ilaw. Hindi na ako takot ngayon sa ipis dahil may pamalo na ako. Hindi na ngayon ako takot kahit kanino o kahit saan dahil wala nang saysay ang lahat ng bagay saken. Kahit nasa akin na ang lahat ng kailangan ko para mabuhay e hindi pa rin ako nabubuhay. Isang garapon lang ako na walang laman sa loob. Isang lalagyan na walang pinaglagyan.

Lahat na nang bagay na pwedeng gawin e ginawa ko na. Salamat sa mga sumama sa akin sa mga bagay na yun, sa mga lakad at sa mga trip, pero hindi na talaga ako nasisiyahan sa kahit ano. Buhay, itapon mo na ako sa mga lunnga ng mga lobo at ipalapa mo na ako sa kanila, tatanggapin ko ng buong buo. Buhay, wag mo pakainin ang leon ng isang linggo at iwanan mo ako sa loob ng kanyang kulungan, tatanngapin ko ng buong buo...

...pero hindi kusang hihilahin ng baril ang gatilyo, kailangan may daliri na hihila dito. Daliri ng kaibigan kong tao na ibon ang hihila. Malapit na siguro syang dumating. Konting konti na lang siguro.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home