Nandito ako ngayon sa shop na parati kong tinatambayan ko madalas. Ngayon lang ako nagsdulat ng blog kung saan may tao ako sa tabi ko.
Ngayon ko lang nalaman na nagbabasa pala ng blog ko si Anne. Masaya ako dahil kahit papano napapansin nya ako. Wow, hanep, diskarteng bisaya. Pero dibale, may panahon ang lahat. May opportunidad din na lalabas.
Nagsisising, gising sa katotohanan di ka naman talaga akin.
Di mo lang alam, inaasam ang panahon makapiling ka...
Hanep, grabe,
hindot. Hinde ko na alam kung anong gagawin ko bukas, puro na lang ako lakad, lakad, lakad. Palakad lakad pero walang pinatutunguan. Mahirap maglakad ng mag-isa. Kelangan parating nakakabit ang bluetooth ko sa tenga ko para kahit papano may sounds ako na nakakatulong makapagpalimot ng masalimuot na bagay bagay na nasa tabi mo lang.
Ang hirap nito kaibigang oso. Mamaya, makakatulog, kung dalawin ng antok. Sana madaming Reader's Digest si dad sa taas ng Tropi para kahit papano may mapaglilibangan ako, habang nag aantay dalawin ng antok.
Ano pa nga bang silbe ng telepono ko kung wala rin naman akong kausap? Sana kausap ko na lang si Anne o kaya si Diana para masiyahan naman ako at para hinde maaksaya ang GLOBE UNLIMITEXT ko na niregister ko pa, pero wala naman akong katext. Sayang ang singkwenta, hayop lang talaga.
Anong oras nanaman kaya ako magigising neto? Depende ke Anne at kay Diana. Anong kakainin ko bukas? Depende kung makabili ng gamot sa Ongpin na kasama ni Balbakuta. Ano ba sabi ng ibon, kamusta ka Bakal na Tao? Kamusta ka de-susing ibon? Kamusta ka?
Naalala ko tuloy ang 2nd year high school, kung saan may nangyari sa likod ng Starex na van ni Mik Mik. Pano kaya kung natuloy yun? Edi sana nag iba na ang lahat. Dito lang naman umiikot ang lahat, ang ugat ng mga pangyayari. Nakikita mo ba tong mga butas ko sa muka? Siguro yun din ang pinag ugatan nun, ang butas sa kilay, ang butas sa dila, at ang butas sa ulo.
At tayo'y sumayaw, na parang di nba tayo bibitaw.
Naalala ko tuloy yung una kong prom, ang ganda ng suot nya. Naka light blue, nagyosi pa kami nun sa CR ng mga baldado. Isang gabing hindi malilimutan. Ang saya! Gatecrasher. Naalala ko tuloy yung prom ko nung 3rd year high school, prinsipe ng kagwapuhan at ang ganda ng aking date! Lahat lumingon dahil may isang gwapo at isang mestiza! Gwapo talaga e.
Pero alas tres na pala ng umaga, medyo nararamdaman ko na ang antok. Pero nababahala ako dahil may nakaupo dun sa upuan at baka kanyang malaman kung sino talaga si Anne o kaya si Diane. Baka mabisto, kawawa naman ako. Ang aking kaibigan na si Conquilla lamang ang nakakaalam ng baho na ito, pero hinde ito baho, isa itong mabango. Conquilla, anong oras tayo uuwi? At anong ginagawa mo jan sa Alarms? Ang kapal naman ng muka mo para tumambay jan!
AMBISYOSONG TUPA, tinitira ang grandfather clock.
Si Abuyo pala nasa Thailand, hahanapin daw nya dun si Sagat. Si Sagat ang kalaban sa Street Fighter kung bobo ka at hinde mo alam. Anong oras na, de-susing ibon? Anong oras na, Taong Bakal? Anong meron, kaibigan oso?
Hindot.